Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Pamilya , 8 Pantig At 4 Na Saknong At 4 Na Taludtod
Tula tungkol sa pagmamahal sa pamilya
8 pantig at 4 na saknong at 4 na taludtod
Pamagat: "Kanlungan"
I.
Paano ko nga ba makalilimutan
Ang napakainit na bisig ng aking mga magulang
Na siyang aking naging kanlungan
magmula ng ako ay isinilang
II.
Tuwing ikinukwento ng aking mahal na ina
Ang mga panahon na ako ay kanyang inaaruga
Pawing ngiti lamang ang nakikita sa labi niya
At maging sa kanyang mga mata
III.
Akin ding inaaalala kung paano ako alagaan ni ama.
Na walang kasing higpit at bibihirang tumawa
Tuwing ako'y umiiyak dahil sa mga kalaro
Nandoon siya upang akoy' patawanin gamit ang kanyang mga biro.
IV.
Ngayon ako'y malaki na at ang aking magulang ay matatanda na,
Ako naman ang magsisilbing kanlungan nila.
Dahan-dahang susuklian ang mga kabutihan,
At di magsasawang sila ay pagsilbihan.
Ang tulang ito ay nagsasalamin sa kwento ng isang tao, magmula sa kanyang pagkabata hanggang sa siya ay tumatanda na.
Kinuwento sa tula kung papaano siya inaruga at itinaguyod ng kanyang mga mapagmahal na mga magulang.
Ito rin maikling tulang ito ay sumasalamin sa mga pagbabago ng isang tao, habang tumatanda.
Comments
Post a Comment