Ano Ang Naramdaman Mo Sa Bahaging Ito Ng Gawain Matapos Mong Masagutan Ang Bilang 1-3?
Ano ang naramdaman mo sa bahaging ito ng gawain matapos mong masagutan ang bilang 1-3?
Answer:
Ang naramdaman ko sa bahaging ito ng gawain matapos kong masagutan ang bilang 1-3 ay paghihinayang. Napagtanto ko na andami ko palang sinayang na oras at panahon sa mga hindi makabuluhang mga bagay. Hindi lang sa maraming nasayang na panahon, marami din ang panahon na naipagkait ko sa aking pamilya na gusto akong makasama. Na gi guilty tuloy ako ngayon sa aking nagawa. Aking pagsisikapan na baguhin ang aking mga priyoridad sa buhay at sa araw-araw, dahil ayon sa kanta ni inawit ni Noel Cabangon, "Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon". Oo nga, sadyang hindi nga maibabalik ang oras. Ang lumipas ay maging nakaraan na. Isa nalang itong kasaysayan, at sabay ba lumipas ang mga oras na nasayang.
Sa kabilang dako, ako rin ay namumulat sa katotohanan kung ano ang sadyang mahalaga at makabuluhan sa ating pamumuhay dito sa mundo.
Code 9.24.1.12.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol kahalagahan o pagbibigay halaga ng oras o panahon, maaaring dumalo sa sa sumusunod na links:
Comments
Post a Comment